-- Advertisements --
Naging matindi na ang ginagawang paghahanda ni two-division Marlon Tapales para sa paghaharap nila ni Japanese pound-for-pound superstar Naoya Inoue.
Isasagawa ang laban ng dalawa sa darating n Disyembre 26 sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.
Itinuturing ang WBA at IBF world super bantamweight champion na si Tapales bilang underdog sa nasabing laban.
Subalit sinabi nito na dadayo siya sa Japan para patunayan ang kaniyang kakayahan na patumbahin ang Japanese boxer.
Halos ilang buwan ito ng nagsanay sa US at naka-sparring niya sina Mark Magsayo.
Nasa lungsod ng Baguio na ito para sa mas pinaigting na pagsasanay sa nasabing laban.