-- Advertisements --
Nagwagi ang Pinoy boxer na si Jonas Sultan laban Frank Gonzales ng US sa pamamagitan ng unanimous decision.
Napabagsak ni Sultan si Gonzales sa ikalawa at ikalimang round ng kanilang eight-round fight na ginanap sa Plant City, Florida.
Ito ang unang laban ni Sultan mula ng talunin siya ni Paul Butler para sa bakanteng WBO bantamweight belt noong Abril na ginanap sa Liverpool, England.
Ang 31-anyos na Zamboanga del Norte native ay mayroong record na 19 panalo at anim na talo na may 11 knockouts.
Taong 2018 ng talunin siya ni Jerwin Ancajas at ngayon ay lumalaban si Sultan ng 122-pound division na pinamumunuan ng kapwa Pinoy boxer na si Marlon Tapales at Japanese boxer Naoya Inoue.