-- Advertisements --
Bigo ang Filipino boxer na si Jayson Mama na maagaw ang IBF flyweight title laban sa British champ na si Sunny Edwards sa Probellum: Revolution card na ginanap sa Coca-Cola Arena sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).
Nadepensahan ng 25-anyos na Briton ang kanyang titulo sa pamamagitan ng unanimous decision.
Ipinoste ni Edwards ang dominant performance at nanalo sa score na 117-110, 118-109 at 118-109.
Samantala, nauwi naman sa draw ang bakbakan nina Donnie Nietes at Norbelto Jimenez ng Dominican Republic sa eliminator para sa WBA super flyweight title.
Isa sa mga judges ay nagbigay ng score na 96-94 para kay Nietes, isa namang 96-94 para kay Jimenez at ang pangatlong judge ay nagbigay ng 95-95 na score kaya nauwi ito sa draw.