-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Gumawa na lamang ng diskarte ang isang Pilipina upang siya ay may mapagkakitaan habang stranded pa rin ngayon sa Vietnam dahil sa COVID-19 lockdown.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ruby Palencia, noong Pebrero pa siya sa Vietnam at hindi makauwi ng Pilipinas matapos ngang maabutan nang lockdown.
Para may mapagkakitaan lamang, pumasok bilang online english teacher si Palencia.
Pero sa ngayon ay balik na aniya sa normal ang sitwasyon sa mga lugar na ikinokonsidera bilang low-risk category dahil tinanggal na ang lockdown.
Base sa pinakahuling datos, nasa 268 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Vietnam habang wala pang naiulat na namatay.