Bumaba ang ranking sa Womens Tennis Association (WTA) ni Pinay tennis star Alex Eala.
Sa inilabas na pinakahuling ranking ng WTA ay nasa pang-69 na ito mula sa dating 56.
Maaring nakaapekto ang nasabing pagbaba ng ranking niya sa halos isang buwan na hindi paglalaro matapos ang kaniyang European clay at grass campaigns.
Sinabi naman ng 20-anyos na si Eala na nakatakda ito ng maglaro sa National Bank Open sa Montreal, Canada na magsisimula mula Hulyo 26 hanggang Agosto 7.
Ang National Bank Open ay lalahukan ng mga sikat na tennis players gaya nina Aryna Sabalenka ng Russia, Coco Gauff at Jessica Pegula ng US at maraming iba pa.
Magsisilbi ito bilang paghahanda ni Eala sa nalalapit niyang paglahok sa US Open na magsisimula mula Agosto 24 hanggang Setyembre 7 sa New York.