-- Advertisements --
Bakas ang pagiging proud ng pambato ng Pilipinas sa pinakaunang Miss Trans Global matapos nitong masungkit ang titulo sa grand coronation kagabi.
Si Mela Franco Habijan ang kinoronahang Miss Trans Global, at nasungkit din ang pagiging “Eloquent Queen of the Year,” “Super Model of the Year,” at “Glam Beauty of the Year.”
Ayon kay Habijan, katuparan ng kanyang mga pangarap para sa pamilya at sa buong bansa ang kanyang tagumpay sa nasabing pageant na isinagawa sa pamamagitan ng live stream sa YouTube.
Aminado aniya siya na marami pa ring ang nagmamaliit sa kakayahan ng mga trasngender pero papanindigan nito ang pagiging kabilang sa trans community.