-- Advertisements --

Nagdiwang ng kaniyang ika-31 kaarawan ang tinaguriang pinakamatandang aso sa buong mundo.

Ang Portuguese purebred Rafeiro do Alentejo na pinangalanang Bobi ay kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang aso sa buong mundo.

Ipinagdiwan nito ang kaniyang ika-31 kaarawan noong Mayo 11.

Ayon sa kaniyang amo na si Leonel Costa na nagkaroon ng tradisyunal na Portuguese party ang aso sa bahay nila sa Conqueiros.

Aabot sa 100 katao ang bisita nito kung saan kumain sila ng mga karne at isda at maging si Bobi ay sumali rin sa pagsasayaw.

Nakaranas umano ng stress ang aso kamakailan kaya dinala niya ito sa beterinaryo.

Nitong Pebrero lamang ay kinilala si Bobi ng Guinness na nahigitan nito ang dating may hawak na si Bluey mula sa Australia.