-- Advertisements --

Inilunsad na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ngayong araw ng Marso ang pilot test nang digital COVID-19 immunizatio registry sa San Juan City.

Magkasama sina San Juan City Mayor Francis Zamora, DICT Secretary Gregorio Honasan II, at testin czar Vince Dizon sa paglulunsad ng Vaccine Information Management System Immunization Registry (VIMS-IR).

Ang VIMS-IR ay isang digital vaccination management system na siyang mag-streamline sa vaccine registration process sa bansa para mapabilis ang national immunization efforts ng pamahalaan.

Sinabi ni Zamora na pinili ng DICT ang San Juan bilang pilot city para sa VIMS-IR dahil sa orderly at efficient vaccination efforts ng naturang lungsod.

Kung makikita ng DICT na epektibo sa San Juan City ang naturang programa ay kaagad naman itong dadalhin sa iba pang local government units sa bansa para ipatupad.

Ayon kay Zamora, mula sa dating 20 minutes ay naging 10 minutes na lamang ang tagal na ginugugol para sa registration process sa COVID-19 vaccination.