-- Advertisements --

Tinambakan ng Strong Group Philippines ang Al Nasr ng Libya 93-76 sa nagpapatuloy na 32nd Dubai Basketball Championship.

Bumida sa panalo si dating NBA player Shabazz Muhammad na nagtala ng 24 points para madala sa dalawang panalo at wala pang talo ang Pilipinas.

Nag-ambag naman ng 18 points, nine rebounds, apat na assists at tatlong steals si Renaldo Balkman habang mayroong 14 points si Filipino-American Sedrick Barefield.

Mula sa simula ay hawak ng Pilipinas ang kalamangan kung saan sa first quarter pa lamang ay umarangkada na sila 24-6.

Susunod na makakaharap nila ang Al Wahda ng Syira.