Pinangunahan ni Olympic pole-vaulter EJ Obiena na nagsilbing flag-bearer sa pormal na pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Kasama nito na pumarada si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino at 30 miyembro ng Philippine contingent.
Mayroong kabuuang 495 na atleta ng bansa ang sasabak sa 39 sports event.
Tiwala si Tolentino na kayang idepensa ng Pilipinas ang kanilang titulo noong naging host ang bansa ng 2019 SEA Games.
Nakakuha kasi noon ang bansa ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals.
Noong 2005 din ay naging overall champion ang Pilipinas sa SEA Games.
Sa isinagawang opening ceremony ay naging makulay kung saan sinalubong ng fireworks ang mga manlalaro sa My Dinh National Stadium.
Magugunitang ipinagpaliban ang nasabing torneo noong nakaraang taon dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.










