
Naitala ng Department of Health (DOH) sa ikalawang sunod na araw ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) case na mahigit 1,000.
Ayon sa DOH, ang bilang ng bagong kaso ng nakamamatay na sakit ay 1,184 habang ang active tally ay umabot na sa 18,365.
Base sa pinakahuling data mula sa Health department, tumaas ang aktibong kaso mula sa dating 18,035.
Ang nationwide caseload naman sa ngayon ay nasa 4,052,967.
Ang bilang naman ng mga nakarekober ay umabot na sa 3,969,634 at mayroong 859 new recoveries.
Ang death toll ay lumobo na sa 64,968 dahil sa 24 na bagong namatay.
Sa nakalipas namang dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bilang ng mga tinamaan ng naturang virus na nasa 5,792.
Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 2,400, Central Luzon na may 1,179, Cagayan Valley na may 744 at Western Visayas mayroong 710.










