-- Advertisements --

Nabigo ang women’s volleyball team ng bansa sa Indonesia sa 2023 AVC Challenge Cup for Women.

Nakuha ng host country ang 17-25, 20-25, 10-25 sa kanilang pool A games.

Dumikit pa ang puntos ng Pilipinas sa dalawang set subalit pagpasok ng ikatlong set ay doon na umarangkada ang Indonesia.

Kahit na nabigo ay pasok pa rin sa susunod round ang Pilipinas sa Pool E na makakaharap ang India, Australia at Pilipinas.

Tinalo kasi ng Pilipinas ang Macau sa kanilang unang laro nitong Lunes ng gabi.

Nasa Pool F naman ang Chinese Taipei, Iran, Uzbekistan at Vietnam.