-- Advertisements --

May mga nakalaang programa ang Department of Tourism (DOT) para mas makaakit ng maraming turista.

Kasunod ito sa pagkakakuha muli ng bansa bilang “Best Dive Destination” na ibinigay ng Diving, Resort and Travel (DRT) show sa Malaysia.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, na isang malaking karangalan na makuha ang nasabing award kung saan tinalo ng Pilipinas ang mga bansang Malaysia, Indonesia, Japan at Maldives.

Mula pa kasi noong 2019 ay hawak na ng Pilipinas ang nasabing pagkilala.

Pagtitiyak pa ng kalihim na kanilang pagagandahin ang mga tourist destinations sa bansa lalo na patuloy ang pagdami ng mga turistang pumapasok sa bansa.