-- Advertisements --

reagan

Kinumpirma ni US Ambassador to the Phils. Marykay Carlson na nagbigay ang Amerika ng $100 milyon foreign military financing sa Pilipinas.

Ito ay bahagi ng pagsisikap na palakasin ang kakayahang pandepensa ng bansa sa Southeast Asia at sa patuloy na modernisasyon ng AFP. Binibigyang-diin ni Carlson na ang binigay na military financing sa Pilipinas ay dahil sa pinabuting ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ginawa ni Carlson ang pahayag sa isinagawang briefing sa loob ng USS Ronald Reagan na nasa Pilipinas para sa isang port call.

Sinabi ni Carlson na maaaring gamitin ng Pilipinas ang alokasyon upang “i-offset” ang desisyon nitong ibasura ang P12.7 bilyon na deal sa Russia.

Target ng DND at AFP na bumili ng mga heavy-lift na Chinook helicopter mula sa United States.

Ang Pilipinas ang may pinakamalaking natanggap na tulong militar mula sa U.S. sa bahagi ng Indo-Pacific region.

Nasa kabuuang $1.14 bilyong na halaga ng mga eroplano, armored vehicle, maliliit na armas, at iba pang kagamitan at pagsasanay sa militar mula nuong 2015 hanggang 2022.

Kasama sa halaga ang US$475.3 milyon halaga ng foreign military financing sa Pilipinas na kabilang sa pinakamalaki sa Southeast Asia.

Sa panig naman ni Pang. Bongbong Marcos Jr. na malugod niyang tinanggap ang pagbisita ang American nuclear-powered aircraft super carrier ang USS Ronald Reagan.

Muling iginiit ni Pang. Marcos Jr na nakatuon siya sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa West Phil Sea.

Ang USS Ronald Reagan ay galing sa South Korea na lumahok sa joint maritime exercises sa pagitan ng United States at South Korea.

Samantala, tiniyak naman ni Rear Admiral Michael Donnelly na bukas ang US Navy sa mga cooperation opportunities sa mga kaalyadong bansa nito sa Indo-Pacific Region kabilang ang Pilipinas.

Inihayag ni Donnelly na ang freedom of navigation mission ng US navy sa West Phl Sea ay ang pinatibay na pangako na sila ay lilipad, lalayag sa mga lugar na pinapayagan ng internationa laws.

Nagpahayag din si PBBM na bukas siya sa freedom of navigation operations sa West Phl Sea na inaangkin ng China na kanila umanong teritoryo.

Ang nasabing isyu ay natalakay sa pulong nina US Pres Joe Biden at Pang Marcos Jr nang magkita ang dalawa sa New York nuong nakaraang buwan.

Mananatili hanggang ngayong weekend sa bansa ang USS Ronald Reagan.