-- Advertisements --
Nagpahayag ng kahandaang magpaabot ng tulong ang Pilipinas para sa mga biktima ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Morocco.
Ito ay sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang statement kasabay ng pakikidalamhati para sa mahigit 2,000 mga biktima ng nasabing lindol.
Ayon sa pangulo, kaisa at ipinagdarasal ng Pilipinas ang mga pamilyang lubhang naapektuhan ng naturang trahedya.
Aniya, handang mag-alok ng anumang tulong at suporta ang ating Pilipinas para sa mabilis na pagbangon ng kanilang bansa.
Kung maaalala, batay sa pinakahuling tala ay Hindi bababa sa 2,862 katao ang nasawi sa pinakamalakas na lindol na tumama sa Morocco, habang nasa 2,562 katao.