-- Advertisements --

Magpapadala ang Pilipinas ng kabuuang 47 na atleta na sasabak sa World Games.

Ang nasabing torneo ay magsisimula a Agosto 7 hanggang 17 sa Chengdu, China.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na isa sa mga napili ay si Agatha Wong ng Wushu habang si Raphael Trinidad ng wakeboarding ay magsisilbing flag bearer.

Sa nasabing bilang ay mayroon 12 na miyembro ng dragon boat ang sasabak.

Kasama rin na atleta ay sina Rubilen Amit ng Billiards at Kaila Napolis ng jiu-jitsu.