-- Advertisements --

Nakatakdang bumili ng bagong helicopters ang Pilipinas sa United States.

Sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, na nag-alok ang US ng mga Chinook helicopters.

Ito ay bukod pa sa 16 na Black Hawk helicopters na napagkasunduan ng Pilipinas na bibilihin sa US noong Disyembre 2018.

Sinabi nito na mahalaga ang nasabing Chinook helicopters para sa pagresponde sa tuwing tatama ang anumang kalamidad.