-- Advertisements --
image 135

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mapalalim pa ang kooperasyon pagdating sa maritime interest sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa inaugural maritime dialogue sa pagitan ng dalawang bansa na idinaos sa Maynila, nagpalitan ang dalawang bansa ng pananaw sa mahahalagang developments sa buong mundo at sa rehiyon at nagbahagi ng insights sa strategic at practical impacts ng emerging maritime-related technology at legal conceps.

Tinalakay din sa naturang dayalogo sa pagitan ng mga opisyal ng UK at Pilipinas ang agenda kaugnay sa maritime law enforcement, marine environment protection, climate adaptation, fisheries management efforts at professional seafaring.

Sa parte ng Pilipinas, ang nasabing maritime dialogues ay isang pagkakataon para maiabanse ang shared strategic interests sa mga kaalyado o partners ng bansa.

Habang tinukoy naman ng UK na ang maritime cooperation na ito bilang bahagi ng Philippine-UK Enhanced Partnership.