Mas hinigpitan pa ang seguridad sa piitan ng Bureau of Immigration sa Bicutan kung saan nakadetine ang mga puganteng Hapon na sangkot sa nakawan sa Japan na nakatakdang ipadeport.
Kung saan isa sa apat ay pinaniniwalaang “Luffy” na siyang utak sa likod ng ilang serye ng nakawan sa Japan at nag-ooperate habang nasa BI detention.
Ito ay kasunod na rin ng isinagawang raid na nagresulta sa pagkakadiskubre ng VIP treatment sa ilang nakapiit na mga banyaga.
Ayon kay Justice Undersecretary Jose Dominic Clavano, inihiwalay na ang mga detainees na mga Japaense nationals mula sa mga hindi pugante o nakagawa lamang ng paglabag sa immigration laws sa may Bicutan Immigration Detention Center.
Una rito, nitong araw lamang ng Martes, Enero 31, nagsagawa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Oplan Greyhound sa loob ng detention facility ng Immigration Bureau at nadiskubre ang ilang ipinagbabawal na kontrabando gaya ng gadgets.