-- Advertisements --

Isinusulong ng Philippine Infectious Diseases Society for Obstetrics and Gyneccology (PIDSOG), katuwang mga healthcare leaders, at experts ang mas matibay ng mga polisiya para mapalakas ang ‘maternal care’ sa bansa. 

Ayon kay PIDSOG President Dr. Analyn Fallarme, nais aniya nilang maseguro na ang mga magiging ina ay mayroon ‘access’ sa komprehensibong suporta sa pagbubuntis hanggang panganganak. 

Bago aniya kasi ito makamit ay kinakailangan mapaigting ang pagkakaugnay ng mga clinical recommendations, healthcare guidelines, financing, at service delivery. 

Sa naganap na pagpupulong na may temang ‘’Para sa Bawat Ina: Closing the Ga in Maternal Antenatal Care” ay napag-usapan ang ‘12 priority recommendations’ layon mapunan kakulangan sa usapin ‘maternal care’. 

Kabilang na rito ay ang pagkakaroon ng polisiya na nagsusulong mapabilang ang tetanus, diphtheria, at pertussis (Tdap), inluenza at respiratory syncytial virus (RSV) vaccines at iba pa sa Philhealth antenatal care package. 

Ang mga rekomendasyon ay pagsuporta sa mithiin ng bansa na mabawasan ang ‘maternal deaths’ sa Pilipinas at makamit ang United Nations Sustainable Development Goal 3 (SDG 3) kung saan mas mababasa 70 maternal deaths sa kasa 100,000 live births sa 2030.