-- Advertisements --

Naghahanda na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagsabak nito sa New York City Marathon.

Ito kasi ang unang beses na pagsali niya sa marathon.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi nito ang kaniyang paghahanda.

Kuwento pa nito na kaya naisipang sumali ay dahil umano sa pagod na ito sa pagkakaroon ng sakit.

Mula kasi ng tamaan siya ng COVID-19 ay parang humina na ang kaniyang pakiramdam kaya nagpasya itong sumali sa marathon.