-- Advertisements --

Nagpahiwatig ang nakababatang kapatid ni Pia Wurtzbach na isasara na nito ang pinagpiyestahang away nila ng 2015 Miss Universe.

Pahayag ito ni Sarah Wurtzbach kasunod ng pagbunyag na naayos na nila ng kanyang ate Pia sa pribadong paraan ang namuong girian, bago pa man umabot ng isang linggo sa pagpasok ng weekend.

Ayon sa 28-anyos na si Sarah, maraming pamilya naman ang nag-aaway pero aminado siyang naging mali ang kanyang paglabas ng mga hinanakit kaya marami rin ang nakisawsaw.

Kasabay nito ay nilinaw ng kapatid ng pangatlong Miss Universe na sa kanilang inang si Cherry daw talaga siya mayroong sama ng loob.

Hindi raw niya layunin na ipahiya ang kanilang ina pero sana raw ay maalala nito ang nagawa sa kanya, na mas higit pa kompara sa kanyang mga isinawalat.

“Me and Pia have fixed things privately. I don’t wish to comment any further about that. Many families fight. I admit I may have done this in the wrong way, but the media has misconstrued my rant and connected the dots in the wrong way. As for how I attacked Pia due to this, I can’t comment on that. Not my story to tell,” saad nito sa pep.

Kasunod naman nito ang panibagong rebelasyon ng kapatid ni Pia na umano’y minsan siyang ginahasa at sa halip na damayan, sinabihan pa raw siya ng sariling ina na deserve nito ang sinapit.

“A lot of people here… gossip about me and Pia but literally just overshadowed the fact I said I got raped and the fact my mom said I deserved it. This world is a mad place to live in.”

Sa ngayon daw ay magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya sa tuwing magigising.

Samantala, muli na ring nagbalik sa kanyang social media account ang 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro pero wala namang nabanggit hinngil sa naging pag-aaway nila ng kapatid.

Una rito, kabilang sa mga isinapubliko ni Sarah Wurtzbach ay yaong patungkol sa tulong pinansyal.