-- Advertisements --
Ibinunyag ni Pia Wurtzbach na kasal na sila ng nobyong si Jeremy Jauncey.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan ng kanilang pag-iisang dibdib.
Ginanap ang beach wedding sa North Island sa Seychelles.
Naganap aniya ang pag-iisang dibdib ng dalawa noon pang Marso 24.
Noong Hunyo 2020 ng inamin ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon at noong Mayo 2022 ay engaged na ang mga ito.