-- Advertisements --

All set na sa pagtungo sa Atlanta, Georgia, ang pambato ng Pilipinas sa 2019 Miss Universe na si Gazini Ganados.

Kasama na si Gazini sa send off ceremony ni Binibining Pilipinas Charities Incorporated Chairperson Stella Araneta si Gazini, gayundin si Binibining Pilipinas Supranational Resham Ramirez Saeed, at Binibining Pilipinas Intercontinental Emma Tiglao.

At kung may “lava walk” ang reigining Pinay Miss Universe na si Catriona Magnayon Gray, binansagan naman ng kampo ni Ganados bilang “phoenix walk” ang magiging pagrampa nito sa darating na December 8 (US time).

“We figured out that we wanted a phoenix walk because it’s not just a walk, it’s more than walk, it’s a fly. It’s something like I’m soaring on stage ’cause it’s like everytime I’m on stage ever since I’m fifteen years old, I feel like I’m flying,” ani Ganados.

Pero bago ang tatlong Pinay bets, unang malalaman ang kapalaran abogadang si Bea Patricia Magtanong sa 59th Miss International pageant na isasagawa sa Japan sa darating na November 12.

Susunod na ang “binibini” queen na si Saeed sa Poland sa December 6, at panghuli si Tiglao sa December 20 coronation sa Egypt.

Samantala, all eyes din ang beauty pageant fanatics sa 2019 Miss World para sa modelo at anak ni 1979 Miss International Melanie Marquez na si Michelle Dee.

Gaganapin ito sa London sa December 14.