-- Advertisements --

Pasok na sa NBA Western Conference Finals ang Phoenix Suns matapos ma-sweep sa 4-wins sa semifinals ang Denver Nuggets sa iskor na 125-118.

Mula sa Game 1 ay hindi pinaporma ng Suns sa pangunguna nina veteran point guard Chris Paul at Devin Booker ang karibal na team kahit nandoon pa sa Nuggets ang bagong MVP na si Nikola Jokic.

Sa laro kanina mula sa first quarter hanggang sa huling sandali ay walang patawad ang Phoenix at hindi hinayaang makadikit ang Denver sa kabila nang pisikalan na laro.

May kabuuang 37 big points na ibinuhos si Chris Paul kasama na ang pitong assist at nag-ambag naman si Booker ng 34 puntos upang bitbitin ang Suns bilang unang team na pumasok sa conference finals.

Ito rin ang unang pagkakataon na pumasok ang Suns sa conference finals makalipas ang 11 taon.

Naging tampok din sa katatapos na laro nang magkainitan at ma-eject pa sa playing court si Jokic bunsod ng flagrant foul laban sa guard na si Cameron Payne.

Nagbaba ng double technical foul kontra kina Yokic at napasama pa si Booker nang tangkaing kuyugin ang Serbian star. Ini-upgrade naman sa Flagrant 2 ang parusa kay Nikola.

Sa huli nag-sorry rin si Yokic at hindi raw niya ito sinasadya.

“I didn’t know,” ani Yokic. “I say sorry if I did because I didn’t want to injure him or hit him in the head on purpose.”

Maging si Booker ay naintidihan umano niya ang nangyari dahil masyadong emosyunal ang laro. Sa kanyang pagkakaalam ay hindi raw maruming maglaro si Yokic.

Bagamat hindi natapos ni Jokic ang game na hanggang 3rd quarter lamang, meron itong 22 points, 11 rebounds at 4 assists.

Samantala aantayin na lamang ngayon ng No. 2 team na Phoenix kung sino ang makakaharap nila sa pagitan ng top team na Utah Jazz at Brooklyn Nets.

Kung maalala una na ring dinispatsa ng Suns sa first roun ang grupo ni LeBron James kung saan ang Lakers ang defending champion.

Habang si Jokic naman ang unang MVP na naitsapwera sa playoff mula nang mangyari rin ito sa grupo ni Magic Johnson at Lakers noong NBA Finals noong taong 1989.