-- Advertisements --
Nilampaso ng Phoenix Super LPG ang Meralco 116-98 sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena & Cultural Center sa Pampanga.
Mula pa lamang sa simula ng laro ay hindi na pinaporma pa ng Fuel Masters ang Meralco.
Umabot pa sa 25 points ang naging kalamangan ng Phoenix.
Naging bida sa panalo ng Phoenix si Matthew Wright na nagtala ng 36 points, apat na rebounds at anim na assists habang mayroong 17 points, nine rebounds, limang assists at tatlong blocks si Jason Perkins.