-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ng Phoenix Super LPG Fuel Masters matapos na talunin nila ang NorthPort Batang Pier 113-104.

Ito na ang pang-anim na sunod na panalo ng Phoenix sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumandera sa panalo ng Phoenix ang import na si Jonathan Williams II na mayroong 38 points, 19 rebounds at siyam na assists.

Nag-ambag naman ng 15 points si Kenneth Tuffin habang mayroong 14 points si Tyler Tio.

Naitabla pa ng NorthPort 95-all ang laro sa natitirang siyam na minuto ng last quarter subalit umarangkada si Williams.

Mayroon ng pitong panalo at isang talo ang Fuel Masters habang ang Batang Pier ay mayroong limang panalo at apat na talo kung saan parehas sila ng Magnolia.