-- Advertisements --
Umiskor si Chris Paul ng 19 mula sa kanyang kabuuang 28 points sa fourth quarter para talunin ng Phoenix Suns ang New Orleans Pelicans, 114-111, sa Game 3 ng first-round series.
Ang panalo ng top seeded na Suns sa Western Conference ay sa kabila na hindi pa rin nakakalaro si Devin Booker dahil sa injury.
Malaking tulong din naman ang ginawa ni Deandre Ayton na nagdagdag ng 28 points at 17 rebounds para sa kanilang 2-1 series lead.
Hindi nagpaawat ang veteran guard na si Paul na kumamada ng 15 poinst sa unang 23 points ng Phoenix sa final quarter.
Nagpakita rin ito ng 14 assists.
Sa panig ng Pelicans nanguna naman Brandon Ingram na may 34 points at si CJ McCollum ay nagtapos sa 30.
Ang Game 4 ay gagawin sa Lunes sa New Orleans.