-- Advertisements --
Binigyan ng Phoenix Super LPG ng ikatlong sunod na talo ang Blackwater 111-106 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Bumida sa panalo ng Phoenix si Jason Perkins na mayroong 23 points habang ang import na si Jonathan Williams ay nagtala ng 21 points para madala sa dalawang sunod na panalo ang Phoenix.
Labis naman na ikinatuwa ni Phoenix coach Mike Jarin dahil sa magandang laro na ipinamalas ng kaniyang koponan.
Mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang Phoenix habang ang Blackwater ay mayroon isang panalo at tatlong talo na.
Nasayang naman ang ginawang 35 points, 13 rebounds at pitong assists ni Chris Ortiz ang import ng Blackwater.