-- Advertisements --
Pumalo sa 1,926 na bagong COVID-19 cases ang iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong hapon, dahilan para umakyat naman ang total case load sa 2,816,980, hindi pa kasama ang datos mula sa dalawang laboratoryo.
Dahil dito, pumalo naman ang bilang ng active cases o iyong mga pasyenteng nagpapagaling pa sa COVID-19 sa 28,108, kung saan 62.3 percent dito ay pawang mga mild cases, 5.8 percent ang asymptomatic, 10.5 percent ang severe, at 4.5 percent naman ang nasa critical condition.
Kabuuang 2,743,297 naman na sa ngayon ang total recoveries makalipas na 3,140 pang pasyente ang gumaling sa sakit.
Habang ang death toll naman ay nasa 45,581 na ang bilang kasunod nang 309 na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.