-- Advertisements --

Nahuhuli na ang Pilipinas sa mga kalapit nitong bansa hinggil sa pagbangon sa pre-pandemic growth rate, base sa pag-aaral ng Asian Development Bank.

ASinabi ng ADB na hangad ng kanilang COVID-19 Country Assessment (COCOA) Report na nakatakdang ilabas sa Marso na masukat kung paano bumabangon sa pandemya ang iba’t ibang bansa sa Southeast Asia.

Pero base sa preliminary results nito, lumalabas na ang Pilipinas na maituturing na high growth country sa rehiyon, ito naman ay isa rin sa may pinakamalaking deviations mula sa pre-pandemic growth rates.

Base sa latest growth outlook ng ADB, ang Pilipinas ay lumalago ng anim na porsiyente ngayong taon, mas mabilis sa 5.3 percent na forecast para sa China, at 5 percent na ASEAN-5 forecast.

Ang growth rate na ito ng Pilipinas ay pumapangalawa sa 6.5 percent ng Vietnam.

Pero ang deviation naman ng Pilipinas sa pre-pandemic trends ay -16.4 percent, na siyang pinakamababa sa grupo.

Dagdag pa ng ADB na ang GDP growth ng Pilipinas ay maaring bumagal sa 5.6 percent ngayong taon, kung magpatuloy pa rin ang problemang idinudulot ng COVID-19.

Isa sa mga pangunahing concerns ng ADB para sa Pilipinas ay ang long-term effects ng pandemya sa employment.

Ito ay dahil nananatiling mataas sa long-term trend ang unemployment rate ng Pilipinas, at karamihan sa mga manggagawa ang napilitan na pumasok sa informal sector kung saan walang social safety nets tulad ng insurance.