-- Advertisements --

Hindi maaring basta tumiklop lamang ang Pilipinas sa harap nang mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Caprio.

Iginiit ni Carpio na hindi basta maaring sumuko lamang isang bansa dahil lamang “stubborn” ang kabilang panig.

Kung tutuusin, malaking panalo na nga para sa Pilipinas na pabor sa Pilipinas ang inilabas na resolusyon ng United Nations dahil nangangahulugan lamang ito na nasa likod ng bansa ang world community.

Maabbatid na noong 2016 ay hindi kinatigan ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang historical claims ng China at pinagtibay naman ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea.