-- Advertisements --

Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na aktibong miyembro ng Philippine Army ang ikalawang gold medal ng Pilipinas para sa larong Arnis.

Pinataob ni Sgt. Niño Mark Talledo ang Vietnamese na si Van Kein Vu.

Ang 33-anyos na tubong Taguig City ay lumahok daw noong 2008 sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-PNP Olympics at dito nagsimula ang kanyang karera sa larangan ng Arnis.

Taong 2007 naman noong nagsimula itong maglaro ng arnis.

Ang Arnis star ay nakadestino sa Zamboanga.