-- Advertisements --

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng mga residente malapit sa Bulkang Taal na banta ng acid rain.

Ginawa ng PHIVOLCS ang nasabing paglilinaw kasunod ng malawakang pag-ulan kahapon sa buong probinsya ng Batangas dala ng Hanging Habagat.

Paliwanag ng PHIVOLCS, nabubuo ang acid rain sa pagsasama ng tubig at ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan, na maaaring magdulot ng pinsala sa mga pananim at maging sa mga bubungan ng mga bahay o gusali.

Ngunit paglilinaw ng ahensiya, agad ding nawawala ang acid rain kapag malakas at matagal ang maranasang pag-ulan.

Sa likod nito, nagpaalala pa rin ang ahensiya sa mga residente na limitahan ang paglalabas ng bahay, oras na nasa alert level ang mga bulkan dahil sa iba’t-ibang mga banta na dulot ng mga ito.

Ipinayo rin ng ahensiya ang paggamit ng N-95 face mask para maprotektahan ang sarili.