-- Advertisements --

Pinangunahan ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor at Philippine International Convention Center (PICC) Chairman Felipe M. Medalla ang paghahayag at pagdedeklara rito bilang “National Cultural Treasure.”

Ang nasabing deklarasyon ng National Museum of the Philippines (NMP) ay pagbibigay diin sa kahalagahan ng kasaysayan at kultura ng Philippine International Convention Center (PICC.)

Dagdag dito, dinisenyo ng National Artist for Architecture na si Leandro Locsin ang PICC na kung saan binuksan ito noong taong 1976 at nagsilbing venue para sa hindi na mabilang na mahahalagang kaganapan.

Kung maalala, kabilang na sa mga ginanap sa loob nito ay ang Miss Universe 1994 Pageant, Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), mga summit, pati na pagtatanghal ng mga internasyonal na artista tulad ni Luciano Pavarotti, The Bolshoi Ballet, Josh Groban, Ricky Martin, at Lea Salonga.

Una rito, naglalaman ang Philippine International Convention Center (PICC) ng apat na pangunahing likhang sining mula sa mga National Artist na sina Arturo Luz, Jose T. at Napoleon V. Abueva, na itinalaga rin bilang mga kayamanan ng kultura ng National Museum of the Philippines. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)