-- Advertisements --

subic1

Lumipat na ang Philippine Fleet sa kanyang bagong tahanan sa dating Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines (HHIC-Phil) Shipyard sa Subic.

Pinangunahan ito ni Philippine Fleet Commander Rear Adm. Nichols Driz ang “symbolic docking” nitong Martes ng BRP Antonio Luna (FF151) sa bagong Naval Operating Base (NOB) Subic, na umookopa sa hilagang bahagi ng dating Hanjin Shipyard.

Ito’y matapos na maaprubahan ang “lease agreement” ng Philippine Navy para sa 250 acre mula sa 700 acre ng shipyard.

Ang bagong Naval Operations Base Subic na magsisilbing daungan ng mga fleet marine units, ay kumpleto sa “maintenance and replenishment facilities” na pang-suporta sa “operational requirements” ng mga bago at paparating na barko ng Phil. Navy.

Ayon sa Phil. Navy, ang malalim na Harbor ng Subic ay naaangkop sa mga malalaking barko na tulad ng Jose Rizal class frigates, Del Pilar class patrol ships at Tarlac class landing docks.