-- Advertisements --
image 372

Nag-abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Israel sa mga Pilipino na iwasang magtungo sa mga lugar sa West Bank hanggang Enero 28 dahil sa nagpapatuloy na tensiyon doon.

Ayon pa sa Embahada kabilang sa mga lugar na dapat iwasan ay ang Bethlehem, Jericho, Hebron sa West Bank, ang Temple Mount, Damascus Gate, Herod’s Gate, Al Wad Road, Musrara Road at mga lugar sa silangang bahagi ng Jerusalem, mga lugar malapit sa border ng Lebanon at Gaza at Golan Heights.

Pinapayuhan din ang mga Pilipino sa Israel na maging alerto at mapagmatiyag sa kanilang paligid at huwag kumuha ng mga larawan o videos.

Hinihikayat din ang mga ito na agad na lisanin o iwasan ang mga lugar na mayroong nangyayaring kaguluhan at matataong lugar at dapat ding maging maingat sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon.

Una rito, kahapon, Enero 27, naglunsad ang Israel ng air strikes sa Gaza matapos na magpakawala ang Palestinian ng rocket.

Ayon sa Israel, dalawang rounds ng strikes target ang Hamas islamist ang kanilang pinakawalan kasunod ng rocket launch sa southern Israel.