Pabor ang Philippine College of Physicians kung sakali mang ilagay sa mas mahigpit na Alert Level 4 ang Pilipinas.
Ayon sa kanilang presidente na si Dr. Maricar Limpin, mahaba na kasi aniya sa ngayon talaga ang pila sa emergency department ng mga ospital sa harap ng nararanasang panibagong surge.
Iginiit ni Limpin na ang paglalagay sa buong bansa sa ilalim ng Alert Level 4 ay dipende pa rin aniya sa magiging pasya talaga ng national government.
Pero kung kukumustahin ang lagay ng mga healthcare workers sa ngayon, sinabi ni Limpin na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang sa gayon patuloy na mapagsilbihan pa rin ang mga nangangailangan ng tulong sa harap ng pandemya.
Malapit na kasi aniyang mapuno sa ngayon ang mga nakalaang kama para sa mga COVID-19 patients, ito man ay sa ICU o sa regular wards.
Marami talaga aniya sa ngayon kasi. talaga ang pumupunta sa emergency department ng mga ospital kaya nagkakaroon na ng bottleneck kung saan kailangan maghintay ng mga pasyente bago sila ma-accomodate ng mga healthcare workers.
Noong Sabado inanunsyo ng tagapagsalita ng Philippine General Hospital na si Dr. Jonas Del Rosario na sila ay kasaluuyang nasa “crisis mode” na dahil halos 40 percent ng kanilang healthcare workers ay nagpositibo sa COVID-19.
Sa nasa 2,000 heath workers at ancillary staff members nilang nakatutok sa COVID-19, 310 sa mga ito ay nagpositibo sa COVID-19.