-- Advertisements --
VCO virgin coconut oil

Nanawagan ngayon ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa mga mambabatas na amyendahan ang batas hinggil sa porsyento ng halo ng coconut oil sa bio-fuel bilang tulong na rin sa coconut industry ng bansa.

Hiniling ni Philippine Coconut Authority (PCA) Deputy Administrator Roel Rosales sa mga kongresista na taasan sa 5% mula sa 2% ang halo ng coconut oil sa bio-diesel.

Ayon kay Rosales, ang nasabing hakbang na kanilang isinusulong ay malaking tulong hindi lang sa mga magniniyog kundi para na rin sa lahat dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Dagdag nito na magiging competitive rin ang presyo ng copra kapag naisakatapuran ang nasabing panukala na kanilang isinusulong.