-- Advertisements --
image 18

Rumesponde ang Philippine Coast guard, sa Helicopter crash na nangyari sa pagitan ng Brooke’s Point at Balabac Palawan nitong Marso 1, 2023.

Ang Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan ay nag-deploy ng BRP Malabrigo (MRRV-4402) at nakipag-ugnayan na rin sa Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC)

Ang insidente na kinasangkutan ng isang helicopter na may tail number N45VX na lulan ng apat na indibidwal, kabilang ang piloto.

Batay sa imbestigasyon, kinuha ng helicopter ang isang pasyente sa Mangsee Island bandang alas-9 ng umaga.

Nawalan ito ng contact bandang 12:10PM habang papunta sa Brooke’s Point.

Nagsasagawa ng search and rescue (SAR) operation ang Philippine Coast Guard sa kalapit na karagatan.