-- Advertisements --
image 45

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi maapektuhan ang kasalukuyang benepisyo ng mga miyembro sa kabila ng suspensiyon ng umento sa contribution rate ngayong taon.

Ayon pa kay PhilHealth Corporate Communications Manager Rey Balena, wala itong magiging epekto sa operasyon ng PhilHealth at maging sa kabuuang implementasyon ng National Health Insurance Program.

Inihayag din ng PhilHealth official na kanilang nauunawaan ang desisyon ng Pangulong Macros Jr. na suspensiyon ng nakatakda sanang premium hike.

Ito ay sa layong mabigyan ng financial relief ang milyun-milyon nating kababayan na naapektihan ng pandemiya.