-- Advertisements --

Isasalang na sa Martes, Agosto 4, 2020, ang tatlong resolusyon na nagnanais imbestigahan ang mga isyu ng katiwalian sa PhilHealth.

Ayon sa abiso ng Senado, committee of the whole ang magiging pagsisiyasat.

Ang mga nakahaing resolusyon para sa Senate inquiry ay isinumite nina Sens. Leila de Lima, Francis Pangilinan, Panfilo Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Partikular na sesentro ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng katiwalian at ang hindi nababayarang insurance claims ng kanilang mga accredited hospitals.

Sisilipin na rin kung sapat pa ang pondo ng government corporation para sa mga tinamaan ng COVID-19, lalo na ngayong lumobo na ang kaso sa halos 90,000.