-- Advertisements --

Handa ang 14 na opisyal ng PhilHealth, kabilang na si President and CEO Ricardo Morales, na ipasilip ang kanilang bank accounts sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso sa mga anomaliya sa ahensya.

Sa joint hybrid hearing by the House committee on public accounts at ng committee on good government and public accountability, sinabi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na lumagda na ang naturang mga opisyal sa isang waiver para bigyan ng karapatan ang mga magi-imbestiga na silipin ang kanilang mga bank accounts.

Mababatid na Agosto 12 nang hamunin ni Deputy Speaker LRay Villafuerte ang mga opisyal ng PhilHealth na lumagda sa bank secrecy waivers at payagan ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na imbestigahan ang kanilang mga transaksyon sa gitna ng issue ng korapsyon sa ahensya.

Sa naturang pagdiin, isa-isang nagpahayag ng kanilang kahandaan ang naturan gmga opisyal, kabilang na iyong mga dumadalo lamang sa pagdinig sa pamamagitan ng video conferencing.