-- Advertisements --

Muling iniskortan ng fighter jets Phil Air Force o PAF sinakyang eroplano ni Pang Bongbong Marcos Kahapon upang masiguro magiging maayos at ligtas ang pagbyahe nito patungong Davos, Switzerland.

Sa mga larawang ipinadala sa tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, makikita ang mga fighter jets ng Philippine Air Force na sinasabayan ang Presidential Plane na sinasakyan ng Punong Ehekutibo.

Ayon sa Office of the House Speaker, bahagi ito ng essential standard operating procedure na PAF upang masiguro ang kaligtasan at seguridad sa paglipad ng Pangulo sa kanyang mga official at state visits sa ibang bansa.

Kasama sa delegasyon ni Pang. Marcos na nagtungo sa Switzerland para dumalo sa ilang araw na World Economic Forum o WEF, si Speaker Romualdez at iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Sa kabilang dako, tiniyak ng pamunuan ng AFP na prayoridad pa rin ng sandatahang lakas ng Pilipinas na tapusin ang banta ng communist terrorist at iba pang mga threat groups.

Limang direktiba ang inilatag ni Centino sa isinagawang command conference.