CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang pharmacist sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Fahad Bandila,25 anyos,may asawa at residente ng Sitio Tenorio Brgy Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya na habang naglalakad ang biktima pauwi ng kanyang tahanan kalalabas lamang sa pinagtatrabahuang botika ng bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Agad dinala ng mga nagrespondeng pulis ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City ngunit dineklara ito ng mga doktor na dead on arrival.
Nagtamo ng apat na tama ng bala ang biktima sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan kaya agad itong binawian ng buhay.
Personal naman ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa nangyaring krimen.










