Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagtamo ng pinsala ang barko ng Pilipinas matapos i-water cannon ng Chinese Coast Guard na magsasagawa lamang sana ng Rotation and Resupply mission sa Ayungin Shoal.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, ang convoy na binubuo ng BRP Cabra at ang civilian ships na Unaizah Mae 1 at M/L Kalayaan ay binombahan ng tubig at ginawang ng delikadong maneuver ng mga barko ng China.
Sinabi ni Tarriela ang M/L Kalayaan ay nagkaroon ng seryosong engine damage.
Ito ay salungat sa ipinapakalat na disinformation ng China Coast Guard na ang [Unaizah Mae 1] ang siyang bumangga sa barko ng Chinese Coast Guard.
Ito na ang pangalawang insidente ng banggaan sa Ayungin Shoal sa pagitan ng mga barko ng Pilipinas at China sa Aungin Shoal
Dahil sa natamong damage ng BRP Cabra at Unaizah Mae 2, kaagad pina summon ng Department of Foreign Affairs ang mga opisyal ng Chinesse Embassy at naghain ng diplomatic protest.