-- Advertisements --
Nag-courtesy call nitong Biyernes si US Ambassador to the Philippines Marykay Loss Carlson kay House Speaker Martin Romualdez kung saan personal na binati ito matapos mahalal bilang top leader ng House of Representatives.
Nagpulong din sina Carlson at Romualdez kasama sina Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez, House Majority Leader Mannix Dalipe at U.S. Embassy Political Officer Kennteh Gardner.
Kanilang pinag-usapan na mas palalakasin pa ang Philippine-US bilateral relations sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa mga naging pahayag ni Marcos, kaniyang binanggit ang kahalagahan ang relasyon ng Pilipinas at Amerika na matagal ng magkaalyado mutual defense treaty.