-- Advertisements --

Tutulong ang mga awtoridad ng Pilipinas sa pag-repatriate ng mga labi ng mga sundalong Hapon na namatay sa bansa noong World War II.

Ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. nananatiling isa sa malapit na partners at kaalyado ng Pilipinas ang Japan kayat na handa ang bansa na tulungan sila sa pagrekober ng mga labi ng kanilang mga namatay na sundalo.

Sa pakikipagkita din ng kalihim sa Japan Ministry of Health, Labor and Welfare noong nakalipas na linggo, tiniyak nito katuwang ang Department of Foreign Affairs ang smooth na pagrekober at repatriation ng mga labi.

Una rito, noong 2018 lumagda ang Pilipinas at Japan ng isang memorandum of cooperation para sa pagkolekta, handling, storage, at shipment ng mga labi ng mga sundalong Hapon.

Ayon sa memorandum of cooperation, sakaling hindi makumpirma na sundalong Hapon ang nasabing mga labi base sa ebidensiya na nakalap, maaaring kumuha ng sample ang Japan Ministry mula sa labi at magsagawa ng scientific DNA analysis sa Japan.

Ayon sa DILG, nasa mahigit 300,000 ang mga nakalibing na sundalong Hapon sa Pilipinas.