
Pinarangalan ng Senado nitong Miyerkules ang 82-man Philippine team na tumulong sa rescue and recovery operations na isinagawa kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.
Ito ay matapos pagtibayin ng kamara ang Senate Resolution 535 na itinaguyod ni Senator JV Ejercito.
Ang panukala ay pangunahing inakda ni Senador Lito Lapid na kung saan ang lahat ng mga senador ay ginawang co-authors matapos itong pagtibayin.
Ang 82-man team ay binubuo ng 21 mula sa 525th Engineer Combat Battalion ng AFP, 51st Brigade; 12 mula sa Air Force 505th Search and Rescue Group; siyam mula sa Metropolitan Manila Development Authority; walo mula sa Subic Bay Metropolitan Authority; 30 mula sa Department of Health; at dalawa mula sa Office of the Civil Defense.
Binigyan ng ilang mambabatas na isa rin itong paraan ng pagbabalik tugon sa ibang bansa na tumulong sa Pilipinas sa panahon ng mga sakuna.










