Nananawagan na rin ang Philippine Red Cross (PRC) ng dagdag na mga donasyon bilang tulong para sa mga apektadong mga kumunidad na tinamaan ng malakas na lindol.
Umaapela si PRC chairman at CEO Richard Gordon sa mamamayan na mag-donate para mas marami pa ang maabutan ng tulong na mga kababayan na naapektuhan ng kalamidad.
Una rito, kumilos din ang Red Cross upang umasiste sa gobyerno sa pamamagitan nang pagpagpapadala ng mga ambulance units mula Abra, Ilocos Sur, Baguio, at nagmula rin na ambulance sa Quezon City, Rizal chapter at Makati.
Nagtayo na rin ang PRC ng Welfare Desks saAbra at Ilocos Sur para sa psychosocial first aid.
Ang PRC ay namahagi na rin ng inisyal na 1,200 piraso ng bottled water, 46 na sleeping kits, 176 na mga food items, 666 hygiene kits, at mahigit sa 700 mga face masks sa Abra at Ilocos Sur.
Una nang naiulat na ang lidol ay angdulot nang pagkasira ng 868 na mga kabahayan, kung saan nasa 1,748,258 na mga residente ang naapektuhan sa Abra, Ilocos Sur, Kalinga, Mt. Province, Benguet, at La Union.
Umaabot naman sa 1,222 na may pamilya at 5,799 individuals ang pansamantalang nakisilong sa may 12 mga evacuation centers.
“Simula noong Miyerkules, mabilis ang naging aksyon ng Red Cross para tulungan ang ating mga kababayan. Patuloy tayong maghahatid ng tulong sa ating mga kababayan na naapektuhan ng nagdaang lindol. Hindi natin sila iiwan hanggang matiyak natin na sila’y ligtas,” ani Chairman Gordon. “Bilang pangunahing humanitarian organization sa bansa, ang Red Cross ay umaapela sa mga mamamayan na mag-donate upang mas marami pa tayong maitulong sa ating mga kababayang naapektuhan.”
Para sa monetary at in-kind donations, mag-email kay Shervi Mae Corpuz, Events & Emergency Giving Officer at emergencyappeal@redcross.org.ph or call (02) 87902413 (direct line)/09178348378.